Sampaguita

[Tagalog Version]

Bulaklak ng aking lahi
Sampaguita sakdal ng yumi
Kung ikaw ay kwintas na yari
Nagniningning ka sa uri
Sa leeg ng isang dalaga
Ganda mo’y nanghahalina
Ganda mo’y may sakdal na gayuma’t bango
At may dulot na ligaya

Chorus:
O bulaklak na nagbibigay ligaya
O Paraluman, mutyang Sampaguita
Pangarap ka ng lahat ng mga dalaga
Ikaw ant tanging ilaw ng sumasamba sa iyong ganda